Weekend in Hong Kong Part 1

Ngayon ko lang naranasan ang lumabas ng bansa, ganun pala ang pakiramdam, nakakailang dahil hindi mo teriteryo, hindi mo magawa ang mga tatak pinoy na ginagawa mo sa pilipinas, hirap kumilos, hirap magpaka-pinoy, dahil nakakatakot na hindi mo alam baka labag na pala sa batas nila yung ginagawa mo. Last week nagpunta kami ng Hong-Kong, araw ng biyernes March 28, 2008. Umalis kam ng pinas ng 8am, 2nd time kong sumakay ng eroplano kaya hindi na ako gaanong excited, pero ganun pa man ay masarap pa din dahil hindi mo naman araw araw ginagawa yun diba? Maulap noong araw na yun kaya di ko din masyadong makita yung nasa ibaba, tsaka wala kasi ako sa tabing bintana kasi may lalaking nauna na sa amin. 1hr and 45mins ang biyahe, halos kalahating oras pa lang ay medyo bored na ako sa eroplano, buti nalang may dala akong panlibang at may magazine din namang available, yung Mabuhay! Then kumain din kami sa eroplano, pinapili ako ng flight attendant kung pork or fish, yung fish daw nila bangus, pritong bagus, almusal kasi eh, so sabi ko sige yung bangus nalang po, pagbukas ko nung meal, PORK! wow sabi ko! OK na din to, tsaka nalang ako babawi sa bangus. Then eventually inanounce na ng pilot na ilang minuto nalang daw ay lalanding na kami sa HK, pinapakita pa nila sa monitor yung distance ng eroplano sa destination. Yey!!! sabi ko, malapit na din kami sa wakas, ano kayang itsura ng HK? malamig kaya? may snow kaya? Sa bintana palang nakikita ko na yung mga bangka sa dagat, tapos lumanding na nga kami, napakahamog nung araw na yun sa HK, yung mga bundok nababalutan ng mga ulap, hindi mo na makita yung tuktok at manghang mangha ako sa laki ng airport nila dun, as in isang isla yung airport nila http://www.hongkongairport.com/ ayan oh check mo!Safe landing kami kaya lahat naman ay talagang masaya, dami din naming mga pinoy na kasabay sa eroplano, yung iba mga sa HK siguro nagwowork, yung iba naman ay mamasyal lang din kasama ang pamilya nila, tsaka ko lang napansin nung nasa checking na kami ng passport dun sa HK. OK nga dun eh, may free candy sa desk nila, kumuha kami ng 4 na candy! hehehe!

Imgp2365

Just waiting for our bags to come...

Imgp2370

see...i got my bag!

Pagkatapos namin sa HK airport sumakay na kami ng tren na pagkaganda-ganda at tumungo na kami sa isa pang station ng tren para sumakay ulit ng isa pang tren hanggang sa matunton namin yung Inn na tutuluyan namin...daming palipat-lipat pero masaya naman kasi 1st time nga eh, so manghang-manghang ang inyong lingkod!

Imgp2376

viewing outside from the MTR...

Imgp2384

haaaaayyyy nyemas kakapagod mag-byahe! I wanna rest first bago simulan ang unang araw ng lamyerda sa HK! I am so excited! sasakay kasi kami sa Cable Car at pupunta kami sa malaking Buddha!

Imgp2385 Imgp2398Imgp2386

Bakas naman sa aking mukha na nag-eenjoy ako dabah? Kung hindi ako nagkakamali halos 30mins din kaming nakasakay sa Cable Car na yan bago namin matunton ang Giant Buddha, ang sarap sarap kasi nagkataon na mahamog noong araw na yun at hindi mainit, hindi ka papawisan at manlilimahid...

Imgp2450

                            

2 TULOG NA LANG!!!

Malapit na ang pinakahihintay kong bakasyon ng taong ito, kasi 2 tulog nalang ay pupunta na kami ng Hong Kong! Yey!!! Im so excited!!! Sana makapunta kami ng Disneyland mag-papapicture ako kay Mickey Mouse at ng mga kabarkads nya...ano kayang weather dun? sabi nila kaparehas lang daw ng pinas, well malalaman natin yan...Maganda din daw yung MTR nila dun, yun yung MRT nila, binaligtad lang. Maganda din daw yung Night Market kung saan madaming bangketa ng paninda na kung ano ano, parang Divi daw pero kakaiba...1st time kong aalis ng bansa, sana hindi ako mahiwalay sa kasama ko, sana hindi ako maligaw dun, kung Nov na at wala pa din akong update sa friendster ko, malamang nandun pa ako sa Hong Kong, nagiipon ng palimos para makauwi ng pinas hehehehe!

She will not be in my pocket...she will always be in my heart

alI am very very sure that most of us liked her, she gave us some songs that we love to listen while we're driving, while we're with our friends, when we're alone, when we feel happy, angry or sad and most of all while we're taking a shower... her songs gave us some words to wonder...songs that captured our hearts and mind...but where is she now??? ...I dont hear anything about her anymore, I dont see her on TV or hear her from the radio...I love her, I love her songs...suddenly...I just missed her...the person that I am talking about is  labeled the "first lady of rage"  and she is non other than ALANIS MORISSETTE ...debut Jagged Little Pill became one of the most successful albums of all time. The raw intensity of the album's first single "You Oughta Know"...would you believe that at a tender age of 9 she wrote this...its called "Fate stay with me" .

I wanted money and hope and
A dream to carry me forever
This is all the hope I got left
Help me to get it together, now
I can sing or act or dance but I still won't get far
Unless you help me, please, to be a big star

But where is the First Lady of Rage now??? did she get married? got babies? got a family of her own? ...thats why right now I am downloading her songs and i will put it in my mp3 player and will never ever delete it!!!

Alanis_morissette_biography_2

Diko malilimutan ang pelikulang ito!

Naalala mo pa ba yung unang-unang Shake Rattle and Roll na movie? yung Manananggal na bida ay si Herbert Bautista at si Mary Walter yung lola nila...at yung gumanap na manananggal ay si Irma Alegre...syeeeeeettt takot na takot ako nun!!! kaya ito watch mo ...just click the link

http://uk.youtube.com/watch?v=G-_dy1lMKks 

AFTER SEVERAL MONTHS

Ang tagal na pala ng huli kong blog, December 3 2007 pa...kumusta naman kaya yun diba??? Saan ba ako magsisimula ulit, Hmmmm...Well, kung kakamustahin niyo ang mga nagdaang buwan sa buhay ko eh masasabi kong OK naman...Umpisahan natin sa Christmas ko, masaya naman kahit paano, nakasama ko naman ang pamilya ko sa noche buena, tas nagpalitan kami ng gifts, yung New Year naman ok din, kaso 1st time kong sumalubong sa pagpasok ng bagong taon na nasa work, pakiramdam ko nasa abroad ako at sa phone kami nagbabatian ng Happy New Year, muntik na tuloy akong maiyak ng maisip ko nasa QC nga lang pala ako ng mga oras na yun at bakit ba ako magdadrama dabah? OK din naman ako sa work, nung December 25 nilipat na kami sa dati naming account...masayang malungkot dahil hindi ko na makakasama yung mga good friends ko dun sa isang account pero masaya naman din ako kasi makikita ko na naman yung crush ko...oh diba may crush! Anyway, moving on...Sa ngayon regular na kami sa work, nakalampas na ako ng 6 months, medyo nagsasawa na nga din ako sa kaka-take ng calls eh, parang araw-araw paulit-ulit nalang yung sinasabi ko, parang walang growth, parang wala ng buhay, buti nalang palagi kong nakikita yung crush ko at nabubuhayan ako...ayaw kong magsalita ng tapos, pero sa tingin ko hindi ako tatagal sa call center...anyway, kahapon pa ako ng 9pm gising kaya experience ko na munang matulog ngayon, sundan ko nalang ulit tong blog ko sometime soon.

JASWANDERIN

Bakit kaya ang mga aso at pusa ang hilig kumain ng kung ano ano kaya minsan yung tae nila may kasamang plastik...ano kaya kung kumain din ako ng plastik? lalabas din kaya yun kasama ng tae ko?

PULUBI VS TAONG GRASA Round 2

Kanina ko lang naisip to habang naninigarilyo ako at tumatae, biglang sumulpot ng parang kabute sa isip ko ang tanong na…ANO KAYA ANG NASA ISIP NG ISANG TAONG GRASA??? Pabor pa din talaga ako sa mga Taong Grasa, kumara sa mga nakakairitang pulubi… Ang mga pulubi alam mo na kaagad kung anong unang naiisip niyan eh, kung anong motibo nila kung bakit sila lumalapit sa iyo, sa totoo lang madalas nilang sabihin ang nasa isip nila “Kuya/ Ate pahingi po ng pera pang-kain lang po” o di kaya, “ konting tulong lang po” sabay akay akay yung bulag nilang kasama sa kalsada, tama bang kaladkarin mo pa yung bulag o di kaya yung matandang uugod ugod o yung mga sanggol na walang kaalam-alam sa pamama-limos…hindi naman sa nagdadamot, pero kung iisip mo madami silang pwedeng gawin (basahin mo nalang sa Round 1). Dun sa labas ng office namin, may isang matandang halos gabi gabi nalang namamalimos, sasabihin pambili lang ng gamot, paano kaya sya gagaling kung madaling araw na ay hindi pa siya nagpapahinga? Pwede naman syang mamalimos sa umaga…OO, sige wala siyang kamag-anak para tulungan sya, wala na siyang oras magpahinga dahil kailangan niyang mamalimos para makakuha ng pambili ng gamot…bakit hindi siya pumunta sa isang center ng baranggay? Libre naman dun diba? Mas matutulungan sya dun…teka, yun nga ang sasabihin ko sa kanya kapag nakita ko siya ulit. Noong isang gabi naman, yung isang bata ang nandun, palagi din siyang nandun, halos gabi gabi yata nakikita ko yun dun, kausap niya yung isang babae, namamalimos sya, ayaw siyang bigyan ng pera nung babae…tanong nung babae, “ Nasan ba ang magulang mo? Bakit hindi ka nakapag-aral? Bakit hindi ka maghanap ng trabaho? “ sagot nung bata, “wala akong pinag-aralan kaya hindi ako makapagtrabaho” sinagot sya nung babae, “eh di pumasok ka kahit dish-washer sa isang karinderya, kailangan pa bang may pinag-aralan ka para maghugas lang ng pinggan? “ tameme yung bata, umalis nalang sya…gago eh. Tapos dun naman sa MRT Quezon Ave, may batang estudyante, lumapit sa akin, tarantadong yun sabi ba naman “ Kuya pahinging kuwarenta pesos?” nagulat ako eh, akala ko hold-up, so hindi lang pala taxi ang may flat rate ngayon? Pati na rin ang namamalimos? Hindi ko nga binigyan, sabay kinabukasan nandun na naman ang lintek na yun, at naka-porma pa ha! Hanep na pulubi, mas maporma pa sa akin…Teka teka, nalilihis na yata ako sa topic ko, ano nga kaya ang iniisip o nasa isipan ng isang Taong Grasa??? Sa tingin ko naiisip pa din niyang kumain dahil nakakaramdam pa din ng gutom yun syempre…pero ano kaya ang iniisip niya kung hindi sya gutom? Ano kayang iniisip niya kapag kinakausap niya ang sarili niya? Ano kaya ang naalala niya? Gaano kaya kataas ang I.Q. nya? Paano kaya sila magmahal? Sira ba talaga ang ulo ng isang taong grasa o sadyang hindi lang natin sila maintindihan? Hindi na ako magpapakaimpokrito, OO takot at nandidiri ako sa taong grasa dahil talaga naman kahit saan banda pa nating tingnan, madumi talaga ang itsura nila at mabaho…ngunit hindi naman sila magiging isang taong grasa kung hindi ganun ang itsura nila diba? Maglakas kaya ako ng loob minsan at kausapin ko ang isang taong grasa? Madami siguro akong matutuklasan…gusto mong sumama? Ano?

Tara

?

SAKRIPISYO

Sa tingin ko, isa na sa pinakamagandang pag-aari ng isang tao ay yung hawak niya ang sarili niyang oras. Malaya siyang gawin ang gusto niya, makakapunta sa kung saan saan at makamit ang mga pangarap niya. Ngunit hindi lahat ng ito ay maaring makasatuparan, dahil parte na ng buhay ng tao na may palaging bumabalakid sa oras niya, hindi ko masasabing sagabal, ngunit may pumipigil o pipigil upang hindi niya magawa ang gusto niya. Maraming posibleng sanhi, gaya na lamang ng kalikasan, sakit, kahirapan, kawalan ng lakas ng loob. Kay dami kong gustong gawin sa buhay, gusto kong mag-pinta mula sa maliit na pirasong canvas hanggang sa naglalakihang mural, hilig ko ding kumanta sa harap ng maraming tao kasama ng aking banda, umarte sa teatro, gusto ko ding gumawa ng sarili kong komiks, gusto kong lumawak ang kaalaman ko sa Computer Graphics at higit sa lahat, gusto kong mapabilib ang mga tao dahil sa aking kakayahan. Sa dami kong gustong gawin, wala akong nasimulan. Bakit nga ba? Dahil siguro iniisip ko gusto ko silang gawin ng sabay sabay? Ano nga ba ang dapat kong simulan? Saan ba ako magsisimula? Paano ako magsisimula…naguguluhan ako…hindi ko alam kung saang daan ba ako dapat tumungo…isang bagay na siguro kaya hindi ko magawa ang mga bagay na ito, ay dahil naiisip ko na kailangan kong unahin ang kumita ng pera. Kailangan ko ito para matulungan ang pamilya ko, ang sarili ko. Kay dami ko ng napasukan ng trabaho, lahat hindi ako tumagal, pinakamatagal ko na yata ay anim na buwan, tinapos ko lang ang kontrata. Napakahirap kong makuntento sa isang lugar, sa isang trabaho, madali akong magsawa, naiinip ako…ako kasi ang tipo ng taong hindi naitanim sa utak na maghanap ng malaking kita. OO mahalagang kumita ng pera, ngunit kung hindi ka naman masaya sa ginagawa mo, wala ding mangyayari sa buhay mo, dapat pantay, dapat masaya ka at kuntento sa ginawa mo, gawin mo kung anong sinasabi ng puso mo, gamitin mo ang kakayahan mo. Madalas kong naiisip na dapat mahalin mo ang trabaho mo, ngunit hindi ka nabuhay para magtrabaho, nagtatrabaho ka para mabuhay…mahalin ang trabaho ika nga, MAHALIN ANG TRABAHO!!! Ngunit paano naman ang sarili mo? Paano naman yung gusto mong gawin? …MAGSAKRIPISYO, MAGSAKRIPISYO, MAGSAKRIPISYO!!! Magsakripisyo para sa ikakasaya ng iba, sa ikagaganda ng buhay ng pamilya mo…AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!! Naalala ko tuloy yung nabasa ko noon sa isang forum ng mga Artist…sabi nung isa, na mabuti daw ay kinuha nya ay Major in Business at hindi Fine Arts, dahil sa ngayon hindi siya nagsisi dahil nagagawa naman niya pareho, may negosyo sya habang nakakapag-pinta…parang naisip ko tuloy, sana pala B.A. nalang din ang kinuha ko…HINDI, HINDI, HINDIIIIIIIII!!!! Tama ang pinili kong kurso, eto ako, pinanganak ako para sa larangan ng sining, pinanganak ako upang iguhit, ipinta at isulat ang nararamdaman ko, naiisip ko at mga ideya ko. Hindi ko alam kung totoo yung kwento na ito, ngunit naalala ko lang, si Dong Abay ng banding YANO, halos tatlong taon siyang nagkulong sa kwarto, wala na akong pakialam kung adik siya o kung sira ulo man siya…ngunit ang nakapagpalabas lang daw sa kanya ng kwarto ay ang bata niyang pamangkin, sabi sa kanya, “ diba singer ka? Bakit ka nandyan sa kwarto at hindi ka kumakanta? “ naisip niya siguro na OO nga, bakit nga ba ako nagkukulong dito? Wala naman nangyayari sa akin…ayun lumabas siya ng kwarto at nagsimulang bumuo ulit ng banda PAN yata ang pangalan ng band nya noon. Tamad lang ba ako? O walang lakas ng loob? O kailangan ko ng isang tao para mag-udyok sa akin na GAWIN MO TO! GAWIN MO TO! IKAW YAN! PAKITA MO KUNG SINO KA! PAALAM MO SA LAHAT NA ETO KA! Bakit ba ako nasa Call Center ngayon? Bakit ko ba natitiis na tumanggap ng tawag sa telepono ng buong araw upang marinig ang mga reklamo at problema ng kung sino sino at halos lahat ng sisi ay ibubuhos sa iyo, mumurahin ka pa minsan kung mamalasin…? Pwes sasagutin ko sa iyo…Una, dahil kailangan mong kumita ng pera, pangalawa, dahil wala kang mapasukang trabaho na linya mo na malaki ang sahod, pangatlo, naiisip mo ang pagtulong sa pamilya mo…bumabalik lahat sa salitang SAKRIPISYO! Aminin mo man, hindi ka na masaya sa ginawa ko, hindi ka na masaya sa trabaho mo, hindi ka na masaya kahit mas malaki ang kinikita mo kaysa noon…Sarili o Pamilya? Mamili ka? Pasensya na Bert, sa ngayon hindi mo muna magagawa ang gusto mo, kailangan mo munang magsakripisyo, hayaan mo, balang araw, magagawa din natin yan…magpipinta din tayo sa malaking canvas, guguhit ng isang komiks, kakanta sa harap ng tao, o di kaya ay aarte sa entablado…konting tiis lang muna, makakaraos ka din, kaya kung ako sa iyo, matulog ka na at may pasok ka pa mamaya…magpahinga ka na, pagod ka lang kaya masama ang loob mo…pagod ka lang…pagod ka lang.

HAMPAS NG ALON Chapter: 3

...Maaaarrryyyyyyyy aaaaaaannnnnnneee.....
...Maaaaaaarryyyyyyyyy aaaaaaaaaaaaannnnnnneeee....
...MAAAARRRYYYYYYYYYYYY AAANNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNEEEE......
...MAAAAAARRRYYYYYYYYYY AAAAAAAAAANNNNNNNNNNNNNNNNNEEEEE........
May isang babaeng tumatawag sa pangalan ko, nanggagaling sa malayo yung boses...ilang ulit niyang binabanggit ang pangalan ko...Boses yun ni Inay...si Inay yun tinatawag ako...Inaaayyyy...Innaayyyy nasaan ka???
"Mary Anne...Mary Anne...Gising ka...Gising...."
Nagising ako at bumulaga sa akin ang mukha ng kuya ni Gil..."nananaginip ka" sabi niya..."haaa..aaahhh eh OO, yung nanay ko..." hindi ako makatingin sa kuya ni Gil..."ano nangyari sa nanay mo?" ..."wala kuya, wala...hayaan mo na, panaginip lang yun, wala naman masamang nangyari, anong oras na ba? tanghali na yata akong nagising..." umalis na ang kuya ni Gil sa loob ng kwarto at tsaka sinabi "may almusal sa lamesa kung gusto mong kumain wag kang mahihiya..." nakakatuwa naman ang mag-kapatid na ito, kakaiba ang turing nila sa akin...nagtutubig na naman ang mga mata ko...pero pinigilan kong maluha at bumangon na ako at inayos ang aking pinaghigaan. Paglabas ko sa kwarto ay walang tao sa sala o sa kusina, walang tao sa bahay nina Gil kundi ako lang. May naamoy akong pamilyar, amoy tuyo at sinangag na kanin...may nakatakip sa ibabaw ng lamesa, gusto kong tingnan, kaya naman tumingin tingin muna ako sa paligid bago ko tiningnan ang nakatakip, walang tao, walang makakakita, kaya dahan dahan kong binuksan ang nakatakip at doon pala nanggagaling yung amoy ng tuyo na naaamoy ko...ang bango, kaya kumuha na kaagad ako ng pinggan at kutsara at kumain kaagad ako...manilamlam ang tuyo, hindi sobrang alat, at masarap din ang sawsawang suka na may sili at bawang...subo lang ako ng subo na para bang mauubusan, ng biglang paglingon ko sa kaliwa ko ay nandun pala ang si Kuya...pahiyang pahiya ako...parang gusto ko ng tumakbo palabas kahit nabubulunan na ako, ngunit di ko pwedeng gawin yun. "Kain ka lang dyan ha, wag kang mahihiya, pasensya na at yan lang ang handa namin para sa almusal..." hiyang hiya pa din ako dahil namumuwalan ang bibig ko ng kanin..."hhhooooohhheeeegggg....hoooooheeeeegggg" ...nakatitig ako kay Kuya...di niya alam na nabulunan na ako...pinilit kong iluwa ng kaunti ang pagkain at tsaka ako sumigaw ng " TUBEEEEEGGGGG!!! TUBBBEEEEEEEEGGGG " napatalon si Kuya sa taranta at dumampot kaagad siya ng pitsel at sinalampak niya sa bibig ko...basang basa ako ng tubig pero nahimasmasan naman ang aking pagkakabulon..." ay sorry sorry nataranta ako...ano ka ba naman kasi, hinay hinay lang...hahahahhahaha" natawa nalang din ako sa nangyari kahit na masakit ang lalamunan ko. Napansin ko na wala si Gil, kaya tinanong ko si Kuya kung nasaan siya " Kuya nasan na si Gil? "  parang hindi ako narinig ni Kuya, tuloy tuloy lang siya sa kusina at naghugas ng pinggan. Hindi ko na ulit tinanong si Kuya, baka mamaya kasi ay mairita pa siya akin, kaya tinapos ko na ang almusal at niligpit ang pinagkainan ko. " Kuya saan ko ba pwede tong hugasan? " nakatalikod lang si Kuya at abala sa paghuhugas " Iwan mo nalang dito sa lababo at ako ng bahala dyan " ..." Nakakahiya naman ako na ang maghuhugas? " ...pinatay ni kuya ang gripo at biglang humarap sa akin at sinabing " Bisita ka dito, hindi ka dapat naghuhugas, kung ako ba ang bisita mo sa inyo paghuhugasin mo din ba ako? " ...natameme ako sa sinabi ni Kuya sa akin, OO nga naman! Nagpaalam na mun ako kay Kuya na pupunta na muna ako sa CR para makiligo ulit at magpalit ng damit, syempre susuotin ko ulit ay yung suot ko kagabi. Paglabas ko ng CR ay napansin ako ni Kuya, " San ka pupunta? bakit nakabihis ka na? " ...hindi ko alam kung paano ba ako magpapaalam, parang ayaw ko pa ngang umalis dahil wala pa din si Gil at ayaw ko naman umalis na hindi manlang nagpapasalamat sa kanya. " aahh...ehhh, sa tingin ko Kuya kailangan ko ng umalis, hahanapin ko pa din kasi ang Tiyahin ko at nakakaabala na din ako sa inyo dito...at Kuya nasan ba si Gil? saan siya nagpunta? " alam ko narinig ako ni Kuya, sigurado ako dahil kaharap ko siya ng tanungin ko sya kung nasaan si Gil, ngunit ayaw magsalita ni Kuya, medyo may bakas sa mukha niya na parang natatawa siya, alam mo yung parang may nililihim...Nang biglang may tumakip nalang na kamay sa mata ko na nagmula sa likod, hindi ko matanggal, " AAAYYYY....sino to? sino to? " at ng magawa kong makapiglas, humarap ako, si Gil pala! Parang huminto ang oras ng magkaharap kami, ang ganda ng ngiti niya, tuwang tuwa siya ng makita niya ako, ako naman ay may nararamdamang hindi mapaliwanag, parang ang saya-saya ko din ng makita ko si Gil, " may binili ako para sa iyo, sigurado akong magkakasya yan sa iyo dahil kasing katawan mo ang Nanay " talagang sobrang hiya ko kay Gil, hindi ako makapaniwala kung bakit nila ginagawa ito sa akin, hindi naman nila ako ganun kakilala, napayakap ako kay Gil at tsaka ako humagulgol " Maraming salamat sa inyo, hindi ko alam kung paano ko kayo masusuklian sa mga ginawa ninyo sa akin...(hikbi) ayaw ko sanang tanggapin yan, ngunit alam ko na magagalit ka sa akin kapag hindi ko tinanggap ang mga binili mo..." ...niyakap ako ni Gil ng mahigpit at hinimas ang ulo ko " Tahan na, Tahan na...wala yun, hindi mo kailangan kaming suklian o bayaran ni Kuya, ginagawa namin ito dahil ginusto namin at hindi para manghiri ng kapalit...sige na magbihis ka na at mamaya hanapin natin ang bahay ng tiyahin mo, may naisip akong paraan para mahanap natin siya " ...bumitaw na ako sa pagkakayakap ko kay Gil at tiningnan ko siya sa mata " Maraming salamat talaga..." Paglingon ko kay Kuya upang magpasalamat, nakita ko siya na parang tutang maamo ang mukha at lungkot na lungkot at umaagos nalang ang luha...ngumiti ako sa kanya at niyakap, ang laki laki ni Kuya " Tahan na Kuya, ayos na ako, Salamat din sa iyo ha? hayaan niyo, kapag akoy nakaraos na, babawian ko talaga kayo, pramis ko yan! " kaagad agad akong nagpalit ng damit at sinuot ang mga binili ni Gil sa akin, ang bilis ng pangyayari para akong si Darna na umusok lang ay iba na ang suot, pero syempre ako walang usok.

Hampas ng Alon :Chapter 2

Ilang oras na din ang binabyahe ko, halos 12 oras na akong nasa bus, Ubos na ang baon kong pagkain, kaunti nalang ang inumin ko kaya minsan ay umiidlip nalang ako, tulo laway at nagigising na lamang ako kapag may sumasakay na mga maiingay na nagtitinda ng mani, pugo at ang walang kamatayang buko pie, hindi ako mahilig sa buko pie, para sa akin walang kalasa-lasa ang buko pie at nakakasuka at naalala ko lang ang nanay ko noong nalaglag siya sa puno ng buko, kaya ayokong nakakarinig ng salitang BUKO. Sa stop over lang ako nakakababa ng bus, para jumingel at makapagunat-unat, sa isang stop over naman ay may nakita akong magkasintahan, ang saya-saya nila, tawa sila ng tawa habang kumakain ng hotdog at humihigop ng sopdrinks na nasa supot, inaamin ko na naiinggit ako sa kanila, wala pa kasi akong nakakarelasyon, may mga nanligaw sa akin noon pero hindi ko tinanggap, para tuloy akong nagsisisi, ngunit sabi ko na uunahin ko muna ang pamilya ko bago ang sarili ko, nilihis ko nalang ang tingin ko at sumakay na ulit sa bus. Ilang oras pa din ang byahe ko, mga 3 hanggang 5 oras pa siguro, kaya naman umidlip nalang ulit ako sa bus para hindi maramdaman ang lungkot at kaunting pagkalam ng tiyan ko. Makalipas ang ilang sandali pa ay naalimpungatan ako, at pagtingin ko sa bintana ay nagulat na lamang ako at nanlaki ang aking mga mata sa naggangandahang mga gusaling dumambal sa aking pagmumukha! ''WOW ANG GANDA'' napasigaw ako at manghang mangha, pati nga yung katabi ko ay nagulat sa akin dahil sa lakas ng boses ko, napahiya ako ng kaunti, pero ayos lang, hindi naman niya ako kilala eh...ang mga napapanood ko sa TV, eto na, nasa harapan ko na! Nagalak ako ng sobra, parang isang panaginip, ngunit hindi naman, gising na gising ako. Patuloy sa pag-arangkada ng bus habang ako naman ay aliw na aliw sa tanawin. ilang sandali pa ay dumating na ang bus sa terminal ng cubao. Ang ganda ng mga gusali sa cubao, lalo na yung mga ilaw na nakabihis sa mga ito, at napakalaki pala ng Araneta Coliseum, parang UFO...lakad lang ako ng lakad, ang dami daming tao sa lansangan, May pamilya, magkakaibigan, magka-relasyon, at mayroon pa ngang mga lalaking mga naka-meykap at mas maganda pa ang mga kutis kaysa sa babae, walang pekas ang kutis ngunit mukha silang bakla pero hindi naman, ewan ko, hindi din ako sigurado. Napagod na din ako sa paglalakad, kasama na din yung pagbyahe ko ng pagkatagal-tagal, natagtag kasi ako sa byahe. Ngunit alam mo, napansin ko lang na madaming tumitingin sa akin, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil probinsyana ako at mukha akong tanga na manghang-mangha sa aking mga nakikita, o baka dahil sa suot kong blaws na puno ng makikintab na palara...o baka dahil sa bag kong Hello kitty na kulay pink...imported yata ito, galing japan ah! huminto muna ako sa isang sulok at dun ako nagsimulang magantay ng mapagtatanungan kung paano ba ako makakarating sa Mandaluyong. Bawat taong pinagtatanungan ko ay nilalayuan ako at madalas nilang sabihin na "WALA" o di kaya " PASENSYA NA" sabay mabilis silang maglalakad papalayo. Napansin kong wala akong napagtatanungan kaya umalis nalang ako sa pwesto ko, siguro akala nila pulubi ako at nanghihingi ng palimos.

Sa sobrang aliw ko sa aking mga nakikita ay hindi ko na napansin na halos 2 oras na pala akong palakad-lakad at nawala na sa isip ko na pupunta pa pala ako sa tiyahin ko. Sa isang mall na magsasara na ay may nakasalubong akong gwardya, nagtanong ako sa kanya at pinakita ko sa kanya ang address ng tiyahin ko, at tinanong ko siya kung saan ba ang patungong Mandaluyong, sa kanya ako nagtanong kasi alam ko na kapag sa gwardya ako nagtanong ay hindi ako nito lolokohin, sabi sa akin ng gwardya na sumakay pa daw ako ng bus papuntang Alabang (saan ba yun?) kaya naman kinilaro ko sa kanya kung paano, sabi niya sa akin na madali lang daw at tinuro niya sa akin ang daan papunta sa EDSA at doon daw ako makakasakay ng bus, kaya nag-pasalamat ako sa kanya, ang bait niya, ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko siya na nagsalita "Ingat ha!"  nakangiti pa din ang gwardya sa akin nang nilingon ko siya...ngumiti nalang ako at patuloy na naglakad patungo sa EDSA lakad lang ng lakad na para akong namamasyal sa ibang mundo at sa di inaasahang pangyayari ay bigla na lamang may lumapit sa akin babaeng mukhang manikin, "HOY WALANG HIYA KA, IKAW ANG KABIT NI ARIEL DIBA?...AHAS KA MANGAAGAW KA NG ASAWAAAA" galit na galit sya sa akin, at sinigaw sigawan niya ako sa harap ng madaming tao, ang daming napapatingin sa amin, ngunit umiiwas sila, hindi ko siya kilala, wala akong kilalang Ariel, "Hindi kita kilala, hindi ko alam ang sinasabi mo" tumalikod ako at iniwasan siya, ngunit hindi ko alam na bigla nalang niya akong sinabunutan at kinaladkad, ang sakit ng sabunot niya at halos matanggal ang anit ko, ang bilis ng pintig ng puso ko, kinabahan ako, mahilo hilo ako ng binitawan niya ako, ngunit hindi pa siya natapos at pinagsasampal naman niya ako, buti nalang naisasangga ko ang aking kamay, napahiga na ako sa sahig at nagbanta na ang babae na sipain ako ngunit bago pa man umabot ang paa nya sa sikmura ko ay may humawak sa paa niya...natahimik ang lahat...hulaan ninyo kung sino yung umawat? Si Manong Guard!!! Niligtas niya ako sa kapamahakan, tumakbo na yung babae papalayo sa amin, itinayo niya ako at nagpagpag ng mga buhangin na dumikit sa aking balat, pawis na pawis ako sa takot... ''OK ka lang?'' sabi ni Manong Guard, sabi ko ''OO ayos lang ako kaso masakit ang balakang ko sa pagkakabagsak''...''Halika dun muna tayo sa may tindahan ng siopao, lumayo tayo dito at baka bumalik pa yun ng may kasama at para makapagpahinga ka din" hindi ako nagsalita, talagang takot na takot ako, nanginginig sa takot...ngunit sumama na din ako kay Manong Guard para malayo ang sarili ko sa maaari pang mangyari..."tutal kakatapos lang ng duty ko at sahod ngayon, ililibre nalang kita'' ika ni Manong Guard...'' nakalayo na kami ng bigla kong naalala "Teka, Teka...yung bag ko nasaan na?...Yung Bag ko...NAWAWALA YUNG BAG KO!!! NANDUN LAHAT NG MGA GAMIT KO, NANDUN YUNG ALKANSYA KOOOO!!!''  iyak ako ng iyak, hindi ko malaman ang gagawin ko, hindi ko mapaliwanag kung bakit nawala yung bag ko, ang bilis ng pangyayari, parang hangin lang na dumaan sa harapan ko...'' Nasindikato ka Miss, yung babaeng nambubugbog sa iyo kanina, sindikato yun, marami nun dito sa maynila, pero tahan na, alam kong masakit pero wala na tayong magagawa kahit ipa-blotter pa natin sa pulis yan, hayaan mo akong bahala sa iyo, ligtas ka sa akin''. Mukha naman mabait siya, kumain kami ng siopao at binilhan na rin niya ako ng gulaman..." Gil...'' may sinabi si Manong Guard...'' Gil ang pangalan ko'' ...aba opportunista yata to ah, pero ok lang sabi ko sa sarili ko, tutal siya ang tumulong sa akin...''Aaaahhh...ako si Meng...ah eh Mary Anne pala...'' hiya ako kasi ayaw ko na nung Meng Meng ang tinatawag sa akin eh..yung Mane naman parang ambastos." Maswerte ka pa miss at yan lang nangyari sa iyo, noong isang buwan kasi may sinaksak dyan na lalaki at yung mga sindikato din ang may kagagawan "
...hindi ako umiimik, nakatingin lang ako sa siopao na hawak ko at nanginginig pa din, napansin yun ni Gil..." Sorry, sorry...dapat hindi ko na sinabi yun sa iyo at baka lalo kang natakot...sorry talaga" ...napatingin ako kay Gil, kitang kita ko sa mata niya na talagang nag-alala siya sa akin dahil sa sinabi niya..." OK lang ako, inaalala ko lang naman yung bag ko at paano ako makakapunta sa tiyahin ko "...naiyak na naman ako pagkatapos kong sabihin yun...hindi malaman ni Gil kung paano niya ako patatahanin, hanggang sa pagtingin ko sa mukha niya ay mayroon pa siyang sarsa sa ibabaw ng kanyang ilong, natawa nalang ako at sinabi sa kanya...hindi naman kapangitan si Gil at mukha naman talagang mabait...pero ang problema ko pa din ay paano na ako at wala na ang mga gamit ko, pati yung address ng tiyahin ko nandun sa bag at hindi ko kabisado kung saan yun, ang naalala ko nalang ay yung mukha nya at pangalan..paano ko ba siya makikita...paano?... Sabi sa akin ni Gil na medyo gabi na daw at nagsisimula ng umambon at kung gusto ko daw na tumuloy na muna ako sa kanila at bukas ko nalang hanapin ang Tiyahin ko...nag-isip ako sandali, sa tingin ko tama si Gil at baka kung mapaano pa ako sa kalsada, kaya sumama na ako kay Gil at tumuloy kami sa kanila, malapit lang sa Cubao, sa Proj. 6, ewan ko kung anong project meron dun pero pang-anim na.

Basang-basa kami sa ulan Pagdating namin sa bahay ni Gil, pinakilala niya ako sa Kuya niya na nagulat sa amin dahil nakahandusay sa sahig at nanonood ng TV, Grabe sa katabaan ng kuya niya, mukhang kumakain ng bata, pero cute sarap panggigilan parang si Jollibee...Silang dalawa lang ang nakatira sa bahay nila dahil ulila na sila sa magulang, tumayo kaagad yung kuya ni Gil at pinatuloy ako, sabi wag daw akong mahihiya, "Kumain na ba kayo?" sabi ng kuya ni Gil, na may malaking boses, parang garalgal na malaki ang boses, " Naiilang nga ako eh, kasi ako lang ang babae, ngunit wala akong magawa, si Gil lang ang nakita kong mabait sa akin ng mga oras na yun...at yung Kuya niyang mataba na nag-abot sa akin ng kumot at unan at nag-alok ng kama niya sa akin, sabi niya sa sopa nalang daw siya matutulog, tulog nga kaagad pagkahiga sa sopa eh...ang bait nilang dalawa at talagang sinuwerte yata ako..."Nakakahiya man sabihin to pero kung gusto mong maligo, nandyan lang ang CR at pahihiramin nalang kita ng twalya at damit ng nanay ko..." sabi ni Gil...hindi ko alam kung maliligo nga ba ako, natatakot ako na baka may mamboso sa akin, malay ko ba kung bosero pala sila ng kuya niya...ano ba ito, kung ano anong iniisip ko...kaya naman inamoy ko ang sarili ko ng palihim at ang baho ko na, nagsisimula na akong magkaroon ng anghet, kaya pumayag na din ako...Pagkatapos kong maligo ay nakita ko si Gil na nag-titimpla ng kape..."Kasyang kasya sa iyo yang damit ah! parang sinukat...Oh magkape ka muna at medyo malamig ngayong gabi, pasensya ka na sa bahay namin ah at medyo maliit at....." bago pa matapos si Gil ay "Ano ka ba...Ayos lang noh, kung makikita mo ang bahay namin sa probinsya baka hindi ka na tumuloy...at hindi ako maarte..." sabay higop ng kape..."aray...sobrang init pala..." pahiya kang probinsyana ka...Natawa si Gil sa akin pero nag-alala din siya, nakakatawa naman kasi eh, tinanong ko si Gil kung taga maynila din ba sila..." Laking maynila kami ng kuya ko...pero ang totoo hindi kami talaga magkapatid...ang layo ng mukha namin diba?" ..."seryoso ka ba?" ika ko..." ano sa tingin mo?" ....tumahimik nalang ako at hindi sumagot..."Totoo, kinupkop lang ako ng mga magulang ni Kuya noong bata pa ako, nakita nila ako sa terminal ng trisikel, umiiyak, hinahanap ang nanay ko, hindi nila alam kung bakit ako nandun noon, pero sinubukan nilang hanapin ang mga magulang ko pero hindi na talaga nila makita, hanggang sa nagsawa na sila at sila na lamang ang nag-alaga sa akin...High-School na ako nun noong nalaman ko ang lahat, naglayas ako noon, pero bumalik din ako noong matanggap ko na ang katotohanan, tutal hindi naman nila ako pinabayaan eh, hindi kagaya ng mga totoo kong magulang na hindi man lang ako hinanap..." napansin ko na nagsisimula ng magtubig ang mata ni Gil kaya sumingit na ako kaagad..."Maswerte ka pa alam mo, kasi may kumupkop sa iyo, eh yung ibang bata nakita ko sa kalye kanina, parang sa kalye na sila nakatira eh, tsaka yung mga taong grasa...ako din swerte ako...dahil may kumupkop sa akin" sabay ngiti na medyo maluha-luha din ang mata..."Tama na nga yan at baka magiyakan pa kayo!" ...yung Kuya ni Gil, gising pa pala at nakikinig..."naku yang si Gil, ganyan talaga yan, mahilig tumulong sa kapwa, kaya nga tingnan mo nag-sekyu sa shopping mall" ..."Matulog ka na nga lang dyan DUMBO! nakikisali ka na naman sa usapan ng mga bata..." biro ni Gil sabay kindat sa akin..." yang si Kuya, tamad yan kaya lumaki ng ganyan yan eh, kain lang ng kain at madalas pang uminom ng alak...pero mahal na mahal ko yan kahit ganyan yan, siya nalang kasi ang natitira kong pamilya...ako ang bread winner sa amin, siya naman sa gawaing bahay at pagbebenta ng cellphone load para mayroon siyang konting income at pambili niya ng kung ano-ano, malakas din naman kumita yung pagloload niya, nakaka 300 siya minsan sa isang araw at kapag sinuwerte ay 500, at ako naman sa labas at magdamag na nagbabantay, check ng bag, check ng mga bulsa at nagaabang na may mangyaring masama...nakakainip pero kailangan tiisin ko, maganda naman ang pamamalakad ng agency namin eh, hindi kami lugi at walang politika sa loob, at dagdag pa, kasi nagiipon ako para makapag-abroad...si kuya di siya pwedeng mag-abroad at baka hindi makalipad ang eroplano sa bigat niya...hahahahahahaha" napalakas ang tawa ni Gil, ako naman natawa din pero mahinahon lang, baka kasi sabihin ng kuya niya ay pinagtatawanan ko siya..." eh ikaw bakit ka nasa maynila?" ...nasamid ako sa tanong ni Gil, ngunit sumagot din ako kaagad " aahh...ako....aahh...eeehhh nagpunta ako dito dahil maghahanap ako ng trabaho, kaso sa kasamaang palad naman ay bigla ngang nawala ang bag ko at masakit pa din ang anit ko sa pagsabunot nung babae kanina"...sabay kamot ako sa ulo ko..."ANO? MAY SUMABUNOT SA IYO KANINA????" nagulat kami ni Gil dahil biglang bumangon ang Kuya niya sa pinagkakahigaan..." Saan nangyari ito? sa Cubao? saan? tarantado yun mga yun ah...may nakuha ba sa iyo? matagal na yang sindikato na yan eh, dapat sa mga yan pinaliliguan ng gas sabay sunugin sa plaza at i-televise!!!" ...gigil na gigil na sinabi ng Kuya ni Gil..." OK lang ako, may konting galos lang dahil napadapa ako sa sahig, si Gil ang tumulong sa akin...muntik na akong masipa sa sikmura ng biglang dumating si Superman...hehehehe"...walang bakas ng ngiti sa mukha ng kuya ni Gil, hindi siya natawa sa sinabi ko, bumangon siya at nagpunta sa kusina upang uminom ng tubig...ilang sandali lang ay may narinig kaming nabasag na pinggan..." Aayyy....ano yun? yung kuya mo yata?"
...pinuntahan kaagad namin ni Gil at nakita namin ang kuya niya na may hawak hawak na paa ng manok at puno ng mantika ang bibig..." Pasensya na gutom lang ang baboy!...ako na bahala dito, wag niyo na akong intindihin, tapusin niyo na ang pinaguusapan niyo at gabi na, matulog na tayong lahat at iyang si Mary-Anne ay mukhang pagod na."...hindi ko na naikwento kay Gil ang buhay ko, inubos nalang namin ang kape at itinuro sa akin ni Gil kung saan ako matutulog, isa lang ang kwarto nila, may double deck na kama, sa taas na daw matutulog si Gil para kapag tinawag ako ng kalikasan ay madali akong makakabangon...nahiga na kami at si kuya naman ay pinatay na ang ilaw at natulog na din sa sopa...wala pang limang minuto ay napansin kong tulog na din si Gil, medyo naghihilik siya, madilim sa loob ng kwarto, pero may konting liwanag naman na pumapasok galing sa bintana...hindi ako makatulog, namamahay ako, iniisip ko yung Bag ko, hindi pa din ako mapakali, paano kaya ako makakapunta sa tiyahin ko? Paano ako makakabalik sa amin, ano nalang ang sasabihin ko kina inay at itay...naluha nalang ako, humihikbi ng kaunti, pero pinipigilan ko dahil ayaw kong magising sina Gil, naawa ako sa sarili ko, sana hindi nalang ako nagpunta dito sa maynila, sana hindi nangyari ito, sana hindi ako nagpumilit, sana nakinig nalang ako kina Inay... hindi naman ako pwedeng magtagal dito kina Gil at nakakahiya sa kanya at sa kuya niya... bahala na... bahala na... at pinikit ko nalang ang mata ko hanggang makatulog.

HAMPAS NG ALON: Chapter 1

Pangalan ko ay Mary-Anne Carvajal, laking probinsya, nagiisang anak at nagpunta sa maynila upang maghanap ng trabaho, madaming nangyari sa akin sa maynila at eto ang istorya ko.

Bago ang lahat sasabihin ko muna sa inyo kung saan ako nagmula at kung ano ang nagudyok sa akin na pumunta ng Maynila. Mane ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko, sa bahay naman Meng-meng, alam mo na ang mga nanay mahilig sa mga ganun palayaw, hilig nila sa may mga tunog na NG sa huli, BEBANG, GAGANG, DING, INENG at marami pang iba, 27-taon gulang ako at sanay sa buhay probinsya, sanay sa init, sanay sa mga humahampas na bagyo kapag tag-ulan, alam mo naman sa probinsya diba? konting bagyo lang eh delubyo na kaagad, madaming nasasalanta, gayun pa man hindi ko na babanggitin kung saan probinsya mismo ako nagmula, basta galing ako sa probinsya. Hindi naman ako kagandahan, pero maraming nagsasabi na kahawig
ko daw si Tetchie Agbayani, yung iba naman sabi mas kahawig ko daw si Bayani Agbayani ayos diba? :-) Bahala nga sila kung maghusga sila ng ganun sa akin, Isa lang ang masasabi ko, mabait akong tao at hangga't maari ay ayokong nangaapi ng kapwa. Sabik akong magkapatid ngunit mula ng malaglag si inay sa puno ng buko ay hindi na siya maaring magka-anak, nagkaroon siya ng sakit sa matres kaya ayun di na siya maaaring magbuntis, mag-isa lang ako, buti nga at nabuhay pa si inay eh, at bilib naman ako kay itay dahil hindi ko man lang siya makitang nambababae, o baka hindi ko lang siya nakikita, hindi naman siguro, may tiwala ako kay itay. Masipag ang mga magulang ko, drayber si itay sa isang pagawaan ng asukal, si inay naman ay tumatanggap  ng mga labada at plantsahin, meron din kaming maliit na tindahan na kapag wala akong pasok ay ako ang nagbabantay. Malapit ako sa mga magulang ko, lalong lalo na sa lola ko, madalas ko siyang tinutulungan mamalengke at palagi niya akong binibilhan ng napkin kapag dinadatnan ako, alagang alaga ako ng lola ko, matagal na siyang patay kaya naman hindi ko na masyadong dinaramdam. Madami din akong kaibigan sa probinsya, kaso di ako madalas sumasama sa kanila kapag namamasyal sila, kasi kailangan kong tulungan ang aking mga magulang at gusto kong tumutok sa pag-aaral, ngunit kung minsan naman ay sila nalang ang pinapupunta ko sa bahay namin, mas gusto ng magulang ko yun, kasi nakikilala nila ang mga kaibigan ko. Dahil sa sipag ng aking mga magulang ay nagawa nilang patapusin ako ng kolehiyo, BS  Zoology ang tinapos ko, kung bakit yun ang kinuha ko ay dahil noong bata pa ako ay mahilig ako sa hayop, ibat ibang klase ng hayop, mayroon akong alagang 8 Pusa, 5 Aso, 53 na Dagang kosta (tinitinda ko sila), 10 kalapati, 10 Pa-itluging Manok, 2 Baboy, 2 Baka at 33 na Bibi, yung mga Bibi sa lola ko talaga yun pero ako na din ang nagaalaga mula ng mamatay ang lola ko dahil sa rabies, nilapa kasi siya ng isang asong kalye habang nagwawalis sya ng mga tuyong dahon sa bakuran namin, naawa ako sa lola ko nun dahil para siyang suman na pilipit nung nilibing siya, nalungkot ako ng sobra, dahil wala manlang akong magawa upang masagip siya sa rabies. Nakapag-trabaho din naman kaagad ako pagkatapos ng ilang buwan mula noong naka-graduate ako, Pumasok ako bilang isang helper sa Maliit na Zoo doon sa lugar namin, OO sa ZOO, naglilinis ako ng kulungan, nagpapakain ng mga hayop, chinecheck-up kung may sakit sila, nagwawalis ng mga tae, pinaliliguan ang mga matsing, pero ang pinakamahirap ay yung paglilinis
ng kulungan ng buwaya, terible, ilang beses na akong muntikang makagat sa binti, yung mga pesteng bata kasi madalas magtapon ng kung ano ano sa kulungan ng buwaya...
Ganun pa man doon nababagay ang isang katulad kong mahilig sa hayop, tumagal din ako doon sa Zoo ng mga 1 taon at umalis ako dahil pakiramdam ko na maswerte pa yung mga hayop kaysa sa akin, mas hayop pa kasi ang trato ng amo ko sa akin kaysa sa mga hayop sa zoo. May katagalan din akong nabakante noon, pero panay ang pag-aapply ko sa kung saan saan kahit hindi ko na linya ay inaaplayan ko, ngunit matapos ang ilang buwan na desperada sa paghahanap ng trabaho, ay nagpahinga muna ako, sabi ko hindi na muna ako maghahanap ng trabaho, tutal madami na din naman akong napasahan ng bio-data...Ngunit isang araw ay nakatanggap ako ng sulat mula sa isang Beterinaryo, may Animal Clinic sya, wala akong naalalang inaplayan kong Animal Clinic noon pero sabi ko susubukan ko na din, sayang eh tsaka tutal linya ko ang pag-hahayop...Pagpunta ko doon ay naka-usap ko ang Beterinaryo, sabi niya na may kaibigan daw siyang nakatanggap ng bio-data ko, at ipinasa sa kanya dahil naghahanap nga siya ng assistant sa kanyang clinic, nagusap kami ni Doc at kaagad akong nagsimula sa kanya... ngunit makalipas ng ilang buwan ay umalis din ako dahil muntik na akong magahasa ng ahas na doctor na yun, muntik na akong matuklaw at mabiktima ng kamandag niya, kaya pala niya ako pinapasok sa clinic niya ay dahil para manyakin niya ako, buti nalang marunong akong pumalag at kung hindi, malamang nawarat na ang aking pinakaiingatan, hindi ko na sinabi sa mga magulang ko ang nangyari, kahit na tuwang tuwa sila sa akin dahil sa clinic ako nagtatrabaho, para daw akong doctora, kung alam lang nila...Haaay Diyos ko, Talaga lang sigurong malapit ako sa mga HAYOP!

Napansin ko na wala na akong pag-asang umunlad pa sa probinsya namin, kaya naman nagtanong ako kina itay at inay kung maari ba akong magpunta ng maynila upang makapag-hanap ng magandang trabaho para naman kahit paano ay umangat ang buhay namin, matanda na din kasi sila at malapit ng magretiro at sabi ko din na ilang taon nalang ay magiging 40 na ako at wala pa din akong mapapangasawa, sabi ko sa kanila na dapat naghahanda na ako sa maaring dumating sa buhay ko, tutal nandun din naman yung isa kong tiyahin na nakatira sa may Mandaluyong at maari akong manuluyan muna doon pansamantala. Ilang araw din ang hinintay ko at pagpupumilit bago ako pinayagan ng aking mga magulang, sabi kasi nila na delikado daw sa maynila at maraming gago at mapapahamak lang daw ako. Hindi ko na inisip ang mga ganun insidente na maaring mangyari sa akin, sabi ko nalang sa kanila na mag-iingat akong mabuti at palagi akong susulat sa kanila. Nag-impake ako kinabukasan, ginamit ko ang kulay pink na Hello Kitty kong bakpak na gamit ko pa noong elementary ako, imported kasi yun galing japan, bigay sa akin ng nanay ng kaibigan ko dahil japayuki yung nanay nya, malaki at marami akong mailalagay sa bakpak ko, alam mo naman sa public elementary school, kulang nalang maging parang kargador ang katawan mo sa dami ng libro mong bitbit, nagdala na din ako ng kaunting pagkain at inumin para hindi na din ako masyadong gumastos habang bumabyahe, dinala ko na din ang alkansya kong yari pa sa kawayan at alam kong kakailanganin ko yun, humigit kumulang na nasa tatlong libo na din siguro ang naipon ko mula noong una akong nakatanggap ng sahod sa una kong trabaho...At ganun na nga nagpaalam na ako kina inay at itay, hinatid nila ako sa terminal ng bus, nalungkot ako ng sobra at talagang grabe ang hagulgol nina inay at itay, hindi ko sila makalimutan na magkayakap at may malalim na bakas ng kalungkutan sa kanilang mukha habang nakadungaw ako sa bintana ng bus papalayo, sinigaw ko nalang sa kanila na "BABALIKAN KO KAYO AT PANGAKO KO NA HAHANGA KAYO SA AKIN, MAHAL NA MAHAL KO KAYO..." at humarurot na ang bus at unti unti na silang nawala sa aking paningin.

Call Cen'er

Nagsimula na ako sa bago kong work...pero hindi na sa linya ko...hindi na sa ARTS...sa Call Center na.

Nocturnal na ako, gising sa gabi, tulog sa umaga...sakit sa katawan, masakit sa ulo, pero masasanay din ako. 3 weeks na din ako sa company, nasa training pa din kami, pero etong week na to ang last na training week, next week sa production area na kami ilalagay, magkakaroon ng kanya kanyang team, sched at pwesto. 1st time kong maging agent, kaya naman talagang wala akong kaalam-alam sa call center industry, akala ko nun panay usap lang kayo ng customer, hindi naman pala...hindi naman pala ganun kadali yun...unang sagot ko ng call, nak-ng-puta talagang nanginginig ako sa kaba...di ko alam gagawin ko, para akong magsusuka, para akong mawawalan ng malay tao...tumunog yung headphone ko beeeppppp.... syet syet syet ano na ano na ano na....opening spill.... kunin ang pangalan....tel number...tas ano na.....punyeta kung pwede lang ibaba ang telepono malamang ginawa ko na...so kinausap ko nalang yung customer, panay ang HOLD ko, HOLD HOLD HOLD...madami nga nairita eh, may nagbaba din ng fone sa sobrang tagal ng paghihintay...sa likod ng utak ko gusto ko ng mag-break, gusto ko ng umuwi, ayaw ko na...ayawwww ko naaaaaaaa....!!!!!! ILABAS NIYO AKO DITOOOOO!!!!!

....

....

....

pero hindi ako nagpatalo...sabi ko sa sarili ko, kung susuko ako walang mangyayari sa akin, kung yung iba nga eh kinaya nila eh, dapat positive, dapat alamin ko ang ginagawa ko...focus focus...kaya mo yan!

Madami pa akong natanggap na calls.2 week na namin ngayon sa mga calls..medyo nawala na din yung kaba ko, unti unti na din akong nasasanay....

tinatamad na akong magsulat....tsaka ko na itutuloy...inaantok na ako....

PULUBI VS TAONG GRASA ROUND 1

Matagal na akong bumabyahe, hindi lang sa loob ng Metro Manila kundi hanggang  probinsya, isa ako sa libo-libong mga Pilipino na namamasahe sa araw-araw at halos lahat siguro tayo ay nakakita na ng pulubi...Iba't-iba ang klase ng pulubi sa atin, mapapansin mo mula sa sangol, bata, teenager, young adult, matanda at super tanda, babae at lalaki. Saan mo sila makikita? Sa tulay, sa kalsada, sa palengke, sa simbahan, sa tabi ng restawran, sa park, sa loob ng dyip, ng bus at madalas silang matulog sa harapan ng Banko (ano kayang meron dun) at ngayon pati na rin sa loob ng mall at kung minsan ay nagdo-door-to-door din sila tuwing magpapasko. Ano ba ang pakay nila?  Isang bagay lang ang pakay nila ay ang manghingi ng kaunting limos...

pero noon yun...

Ngayon ibang klase na ang mga pulubi sa atin, nagsasabi na sila kung magkano ang gusto nila, alam ko pamilyar kayo sa '' Kuya/Ate pahingi naman po kahit piso lang'' oh diba ganyan yun? para silang dyip, may minimum fare...Meron naman ay yung papasukin kayo sa loob ng dyip at pupunasan ang mga sapatos ng pasahero kahit hindi naman dapat punasan...OK ang intensyon niya ay linisan dabah? pero hindi, pinupunasan niya ang mga sapatos, minsan nga lalo pa nilang nadudumihan ang mga sapatos dahil sa ginagamit nilang pamunas...mas kawawa ay yung mga naka-tsinelas, malay mo makakuha ka pa ng sakit dahil sa basahan nilang gamit...

...tsk tsk tsk uso pa naman ang flip-flops ngayon.

Meron pa ay yung may bitbit na sangol, sabihin na nating 7taon na bata yung may bitbit, yung sangol mga 8months lang, madungis sila pareho, tulo-uhog, gulo-gulo ang buhok, maitim, malansa ang amoy at nakahubo't-hubad pa ang sanggol. Madalas ko silang makita sa tulay, sa overpass, sa hagdan sa LRT/ MRT at dyipni stations.

...ay muntik ko ng makalimutan, may bitbit din naman silang dede, laman kape.

Mayroon naman ay mamamalimos na lang ay sinasama pa ang kamag-anak na may kapansanan, madalas ay yung mga BULAG...ano bang balak nila at sa gitna pa sila ng kalsada namamalimos? BULAG+HI-WAY = AKSIDENTE...hindi ba nila naiisip yun na lalo silang mapapahamak sa pinag-gagagawa nila??? hmmm...ang tanong bulag nga kaya talaga?

....uy piso oh!

........Nasan???

Mayroon pa ako noon nakita ay bigla nalang sumakay ng bus at nakakagulat na nagsalita na lamang ng pagkalakas lakas ng parang ganito '' Nanghihingi lang po ako ng kaunting tulong kahit magkano po'' so pera talaga ang hinihingi niya??? at ang itsura niya ay malaki pa ang katawan kaysa sa akin, mukha nga lang adik...haaayy good luck sa kanya!

...nagulat tuloy yung mga pasahero akala hold-up

Karamihan din sa mga pulubi ay yung may kapansanang polio, putol ang hita, putol ang braso, may hydrosepalus, may nakakadiring kapansanan na talagang hindi mo matatagalang pagmasdan at dahil dun ay hindi na nilang magawa pang makapagtrabaho kahit naisin nila...Teka..pero bakit yung iba, nakukuha nilang mag-gitara o di kaya'y tumugtog ng musika sa gitna ng daan para kumita lang? may kapansanan din naman yun ah?

...hmmm karamihan sa kanila ang sakit talaga ay TAMADITIS?

Nabanggit ko na ang karamihan sa mga klase ng pulubi sa ating bansa...Ngayon naman ay ikumpara natin ang isa sa kakaibang klase ng tao na madalas din nating nakikita sa kalye at kung saan saan...ito ang tinatawag nating TAONG GRASAAAAA..RASAAA...RASAAA...RASAAA!(ume-echo pa yan)

Daig pa ng isang Taong Grasa ang mga pulubi kung pagmamasdan mo. Ang mga Taong Grasa ay hindi mo makitang nanghihingi ng PERA o ano mang tulong, sila mismo ang naghahanap at nagsusumikap makakuha ng kanilang pagkain sa araw-araw, nanghahalungkat sila ng mga basura, namimitas ng prutas, namumulot ng mga nakakalat na gulay sa palengke at kung minsan naman ay naghahanap ng mga tira-tirang pagkain sa karinderya o kung saan man may kainan (kanin-baboy pa nga kung minsan)  at ang iba pang taong grasa ay nakukuha pang matustusan ang kanilang bisyo gaya ng sigarilyo, kapag may nakita silang tinapon na upos at may kaunti pa itong natitira ay kinukuha nila ito at hihithitin hanggang masaid, Oh san ka pa diba?...ang ayaw lang talaga nila ay maligo, siguro kung umuulan baka naliligo din sila...Mas OK para sa akin ang taong grasa kumpara sa mga pulubi, dahil masisipag ang mga taong grasa, pinakikita nila na kaya nilang mabuhay kahit nag-iisa lang sila, kaya nilang maka-survive kahit hindi sila nanghihingi ng tulong sa iba, hindi sila nanggugulo, may nabalitaan ka na ba na nang-gulo na taong grasa? wala diba? kung meron man ay 3% sa 100% taong grasa ang gagawa nun, marunong din silang mag-entertain ng tao, minsan sumasayaw sila, kumakanta, at nakikipag-laro sa mga bata. Talagang madumi lang sila at mabaho,

...at yun lang, madalas, sila ay nakahubo.

Kaya ikaw? ano ang mas OK sa iyo? ang mga pulubing sa tingin mo ay kaya naman talaga nilang magtrabaho at tinatamad lang sila at gusto nila ay mabilis na dating ng pera...O ang mga Taong Grasa na kayang tumayo sa sarili nila?

Ikaw ang umusga...kanino ka bilib?

isulat ang iyong comment.

P.S.

Noong bata pa ako nakakita kami ng taong grasa ng kapatid ko at tinanong ko siya..sabi ko '' Ano kayang kinakain nila?'' sagot ng kapatid ko ''Ano kayang tinatae nila?'' at sumagot ulit ako ''eh paano nga sila tatae kung wala silang kinakain'' sagot naman ng kapatid ko ''kaya nga sila tumatae eh''.

...GETS MO?

I DECLARE HALF-DAY!!!

Haaayy nakuh! Imbyerna ako at nasira ang araw ko dahil sa Boss ko...paano ba naman, dineklara na nga na hlaf-day ngayon dahil may SONA si PGMA, tas sabi niya, kami daw magstay til 4pm!!!! ....  isa pa nga.... 4pm!!!!! although wala naman kaming ginagawa ngayon dito dahil nasa Davao ang  bossing namin, eh mas mabuti pa ding wala ako dito sa office dahil napaka-limited lang ng magagawa ko ditey! Haaayyy...may magagawa pa ba ako? hindi naman ako pwedeng sumaway at mag-welga ako ditong mag-isa noh! kaya gagawin ko nalang productive ang day ko, magsusulat nalang ako, magdo-drawing, mag-babasa at kakain til 4pm! OO til 4PM!!!! Mamayang 1pm wala na din ang internet connection dito kaya anak-ng-tatlong-puting-tupa hindi na ako makakapag-surf... ang laki ng problema ko noh? heheheheh!

kanina pa ako naaasiwa sa amoy dito, paano amoy paa, amoy bulok na paa, amoy bayag na natuyuan ng pawis at tatlong araw ng hindi nahuhugasan! teka...bat ko alama ang amoy nun???!!! anyway, kasi ba naman may canteen naman at kung bakit ba dito pa nagsisikain ng lunch tong mga empleyado dito...kakain ng bagoong, kakain ng isda, kakain ng daing, kakain ng durian, kakain ng kung ano ano na gusto nilang kainin...ewan ko ba! well, siguro kaya naman gusto nilang kumain dito sa office ay dahil mas malamig dito kaysa sa canteen namin na mala-impyerno ang init kung walang electric fan....OH take note, Governtment office tong sinasabi ko ah! Kupal diba? at eto pang nakakatawa na halong nakakainis, puking-inang yan, yung kubeta sa canteen nanlilimahid na at amoy bulok na tulok at tae at super-panghe ay hindi manlang maayos at mapa-renovate...hindi mo naman masasabing walang budget dahil imbis na ipaayos ang facilities ay inuna pang magpagawa ng basketball court ang mga kupal dito!!!  ang galing galing diba? Government office ito! as in! ang dami nilang budget kapag may event, kapag may pupuntahang mga lugar, pero facility nila hindi manlang mapaayos!

Betlog! 4 na oras pa akong magtatampisaw sa kawalan...di bale na, bat ba ako nagrereklamo eh bayad naman ako diba???

To my Faithful Companion

Ilang buwan pa lang ang nakakaraan mula ng nawala ang aso namin si Grinch... nagluksa kaming lahat ng mga kapatid ko at pamangkin ng mangyari yun, pakiramdam namin ay para kaming namatayan ng kamag-anak... Ilang araw palang ang lumilipas ay may nabili ang Ate ko na tuta, sa likod bahay namin, php 100.00 lang ang bili niya.Di na ako makapag-antay na makita ang bago naming alaga dahil sabi nila ay kahawig daw ito ni Grinch, kulay brown din kasi, kaya naman umuwi ako kaagad at laking gulat ko ng makita ko siya...ANG KYUT KYUT!!!! nakakatuwa, ang sarap panggigilan, sarap makipaglaro sa kanya, naghahabulan kami, binilhan namin siya ng tali para makapaglakad lakad kami sa labas, binigyan din namin siya ng makakagat dahil  marami na siyang nasisirang gamit sa bahay, naisama din namin siya sa family outing namin...bumalik ang saya sa loob ng bahay namin, lalo na ang pamangkin ko na talagang iyak ng iyak noong mawala si Grinch.

Gaya ng ibang naging aso namin, isang malaking bagay ang pagbibigay ng pangalan, hindi dapat basta basta lang, kailangan madaling bigkasin, madaling tandaan at maganda sa pandinig, at dapat may tunog na "EEEE" sa dulo ng pangalan niya. May naisip na kaming pangalan, WILBUR ang naisip namin, nakuha namin ang panglan mula san pelikulang Charlotte's Web, yung baboy kasi dun pangalan Wilbur... ok na sana kahit walang EEEE sound sa huli, pwede naman namin siyang tawaging Wilby...Sam Wilby? ...Pero hindi pa din ako satisfied sa pangalan...may mali eh, parang di bagay...so naisip ko, dahil mahilig ako sa STARWARS, pinangalanan namin siyang OBI oh diba? simple, madaling bigkasin, madaling kabisaduhin at madaling tandaan...

Napamahal na kami kay Obi, at ganun din siya sa amin, ngunit di na namin kaya ang ginagawa niyang pagngangat-ngat, kaya napagdesisyunan naming itali na siya, hindi namin gawain ang magtali ng aso, dahil pakiramdam namin ay para silang alipin na pinahihirapan...madalas ang pag-ulan ng mga sumunod na mga araw...Ulan-araw-ulan-araw pabago-bago ang panahon di mo maintindihan, may sapak, may toyo, kulang sa turnilyo...At biglang nabalitaan kong may sakit daw si Obi, nanghihina siya, hindi kumakain at hindi na siya ganun ka-active...suka at tae ang ginagawa niya kaya naman tinanggal na namin siya sa tali at sa loob ng bahay na namin siya pinatulog...Binulati sya, yun ang dahilan ng kanyang pagkahina, kaya binigyan namin siya ng gamot na pampapurga. OK naman at epektib ang gamot, nailalabas naman niya ng unti-unti ang mga bulate...Nang makauwi ako sa bahay ay siya kaagad ang tiningnan ko, dahil naaawa na kami sa kanya dahil hindi na siya makakain at punong-puno sya ng itlog ng bangaw sa katawan. Pinaliguan namin kaagad ni Ate si Obi para mawala ang baho at maalis ang mga itlog ng bangaw, nasulyapan ko pa nga ang tumbong nya at puno ito ng mga gumagalaw na bulate na kulay puti, madami sila, as in sobrang dami na halos masuka suka ako ng makita ko...Kinaumagahan, tinatawag ko si Obi sa labas mula sa loob ng bahay, hindi na siya gumagalaw, kaya sabi ko "patay na yata si Obi?" pero hindi pa pala...hindi niya lang ako naririnig, gumalaw kasi siya ng nilapitan siya ng pamangkin ko...napabuntong hininga nalang ako at sinabing "haaayyy salamat at buhay pa siya" sabi ko kay Obi na dapat lumaban siya na dapat balang araw sasabihin namin sa mga kaibigan namin na " akala nga namin mamamatay na yan noon eh, pero tingnan mo ngayon ang lakas lakas niya" ...at tumuloy na ako sa aking trabaho...

...

...

...

Di natapos ang araw na yun at nabalitaan ko na lamang na wala na si Obi...Dinatnan nalang siya nina Ate na walang malay at tirik ang mata, naglalaway at nilalangaw...naawa ako sa kanya, naawa ako kasi ang bata bata pa niya, naaawa ako dahil hindi manlang namin siya nadala sa beterinaryo dahil wala kaming pera,tanginang pera yan, ang daming namamatay araw araw dahil tanginang perang yan!!! ..........................OBIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!! patawarin mo kami kung mayroon man kaming pagkukulang, ginawa namin ang aming makakaya para mabuhay ka, mahal na mahal ka namin Obi, pinasaya mo kami kahit sandali lang...salamat sa iyo naway nasa langit na ng mga aso ang kaluluwa mo!

MINI REUNION

Dscn1990 Dscn1980  Dscn1974 Dscn1965 Dscn1963_1Dscn1966 Dscn1967 Dscn1968_1 Dscn1969 Dscn1970 Dscn1971_bw 

Dscn1978Dscn1972

Dscn1975 Dscn1979

All the pictures here was taken last July 14th 2007 at Tep's place...yun lang po bow! THANKS SA HANDA AT INOM!!! Sana masundan pa!

Kaytagal na din namin di nagkikita ng mga classmate ko from college, higit 5 years na din yata, hindi naman lahat, kasi yung ibang tropa ko ay nakakasama ko pa rin minsan sa mga gimikan...OK naman ang gabi namin, Bday kasi ng nanay ni Tep, Pinaglabas niya kami ng walastik na sinigang na baboy, maasim asim parang kili-kili ni Kili-Killer noong bata pa sya! hehehe! tapos meron din inihaw na bangus , BBQ at maning sung-sung! after namin lumamon, nagsimula na kaming magsunog ng baga...unang ininom namin ay halong Absolut at Sprite tapos Absolut ulit, tapos meron pa nung ROSE na parang Bailey's (hindi na ako uminom nun kasi nasusuka na ako) may tequila na hindi ko alam kung naubos and lastly yung Bombay, ano ba yung Bombay na yun Tep? katas ng medyas at brief ng pinagpawisang bombay??? hihiihihi! Mega chikahan ang mga gurls at boys at naggitara din kami gamit ang maganda at mabigat na gitara ni Doods! (grabe sobrang laki mo ng bata ka!) at ayun si Badet lasing nagwawala kulang maghubo! 2am na ng matapos kaming uminom...dumiretso kami sa bahay nina Carlo after, nandun si Emil natutulog na, nakanganga pa nga eh at may nag-mimidnight snack na ipis sa pagitan ng mga ipin niya, kumakain ng tinga ( hindi mo naramdaman yun???) tapos natulog na kami at kinabukasan na kami umuwi ni Gary.

Note:
Pagmasdan mo yung ilang picture dyan...Ang dami daming Orbs nakapalibot sa amin...katakot ampotah!!! may kaluluhang ligaw dyan sa bahay nina Tep!

Siya pala si....

Ralph Fiennes Photo

Lord Voldemort

VOLDEMORT!!! kakatakot amfotah!

HUWAG SANA NATING ITAPON...PAGMAMAHAL NA TAPAT!

Noong isang Buwan ko pa kinakanta ito, halos araw araw kong kinakanta, sobrang ganda kasi, sobrang emotional, sobrang nafi-feel ko ang lyrics, hindi ko alam kung bakit...Siguro dahill noong mabasa ko ang love story ng singer ay halos maiyak ako noong pinakikinggan ko ito...hindi lang itey, kundi yung iba pa niyang kanta...LUFET MO GORYO!!!

Sana Maulit Muli
By: Gary Valenciano

Sana maulit muli
Ang mga oras nating nakaraan
Bakit nagkaganito
Naglaho na ba ang pag-ibig mo?
Sana'y maulit muli
Sana bigyan pansin ang himig ko
Kahapon, bukas, ngayon
Tanging wala ng ibang mahal

Kung kaya kong iwanan ka
'Di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na
'Di na sana lalapit pa
Kung kaya ko sana

Ibalik ang kahapon
Sandaling 'di mapapantayan
Huwag sana nating itapon
Pagmamahal na tapat

Kung ako'y nagkamali minsan
'Di na ba mapagbibigyan
O giliw, dinggin mo ang nais ko, oooh...

Kung kaya kong iwanan ka
'Di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na
'Di na sana lalapit pa
Kung kaya ko sana

Ito ang tanging nais ko
Ang ating kahapon sana maulit muli

Kung kaya kong iwanan ka
'Di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na
'Di na sana lalapit pa
Mahal pa rin kita
O giliw, o giliw ko, oooh...

kung gusto mong kantahin siya with a background music...just log on to http://www.ex-designz.net/filipinolyrics/displaysong.asp?lid=44

No joke, pang videoke online ang site na itey!!! Happy Crying!

S at T

May katagalan na din mula ng huli akong uminom ng Gin, siguro lampas isang taon na din, hindi ko nakahiligan ang uminom ng Gin, masyado kasing matapang para sa akin, pakiramdam ko kasi para itong muriatic acid na sa bawat inom ko ay natutunaw ang mga lamang loob ko. Ngunit noong nakaraan miyerkules, June 20, ay nagbalik ang Gin na aking kinasusuklaman...Nag-celebrate kami ng kaarawan ng utol ko, may 3 siyang bisitang dumating at may dala silang alak…hulaan mo kung ano ang dala nila? (drum rolling……tsing!) GIN! So sabi ko “patay kang bata ka!” Balak ko nalang sanang mag-beer ng gabing iyon dahil ayaw ko talaga ng Gin, ngunit napansin ko na ibang klaseng Gin ang dala nila, hindi yung karaniwang iniinom ng mga tambay sa kalye kapag wala na silang makain at tinatawid nalang ang gutom nila sa paraan ng paglalasing…Ang dala nila ay GSM Premium Gin, Ginebra pa din pero kakaiba, mas sosy itey, nakakahon ito na kulay puti, at ang bote niya ay mas malaki, halos kasing laki ng karaniwang quatro kantos, sabi nila mas madali daw inumin at walang sabit sa lalamunan, kaya naman sabi ko ay “OK yan sige subukan ko…simulan na natin yan!” Inom lang kami ng inom…inom-kain ng pulutan-inom-laro ng computer-inom-kain-inom-laro…at di nagtagal ay naubos din namin ang GSM Premium at tsaka kami nagbanlaw ng SML, ayos ang lasa ng GSM Premium, banayad nga at madali inumin, Kahit tubig nga lang chaser mo ay pwede na pero kami nag-sprite…makalipas ang 4 na oras ay natapos na kaming magsunog ng baga, OK naman at naidaos naming ang bertday ng utol ko, madami din naman siyang handa kaya hindi nagutom ang kanyang mga bisita. Halos 11pm na kami natapos, hinatid namin ang mga bisita niya sa gate ng subdivision at umuwi na kami at natulog kaagad dahil may pasok pa kinabukasan.

at nagsimula na ang aking kinakatakutan

Nagising ako bandang 5:30 ng umaga kinabukasan, dali dali akong naligo, nag-kape at kumain ng almusal para hindi ako ma-late (ulit) medyo napansin ko na parang nahihilo ako mula ng ako’y magising pero hindi ko masyadong inisip at umalis na ako ng bahay…Pagkasakay ko ng dyip ay dun ko na talaga naramdaman na may Hang-Over ako…As in parang umiikot ang paligid ko, parang nakasakay ako sa chubibo na caterpillar na roller coaster na octopus...medyo nararamdaman ko na para akong masusuka…pagdating ko sa pilahan ng FX ay “diyos kooo! Ang haba haba ng pila”…nag-yosi muna ako at bumili ng softdrinks at kendi dahil nagsisimula ng mawala ang panlasa ko. Ilang minuto din akong naghintay sa FX bago ako makasakay at 7:30 na nung makasakay ako kaya siguradong late na ako…habang bumabyahe na ako sa FX ay nakaramdam pa ako ng isang hindi inaasahan”OMG na-tatae ako!” Sa isip-isip ko, “tangina sana umabot ako” nangangasim na ang sikmura ko, yung suka ko nararamdaman ko na sa leeg ko na gusto ng bumulwak at nagluluha na ang mga mata ko sa sobrang hilo…tiniis ko ang lahat ng halos 45 mins…pagdating ko sa building namin ay hindi na muna ako nag-punch sa bundy, natataranta na kasi ako kaya kumaripas kaagad ako ng takbo sa isang CR na nadiskubre ko na wala masyadong gumagamit at talagang malinis, bago palang kasi. Walang atubiling dinampot ko ang tabo at pinuno ko ito ng tubig para panghugas, pasok kaagad ako sa cubicle at ayun…nagmistulang poso ako na binobomba sa kakasuka, halos mapuno ko ng suka ang bowl ng kubeta, suka ako ng suka hanggang wala na akong maisuka, pakiramdam ko maisusuka ko na rin pati bituka ko, masakit sa lalamunan at sa tiyan, talagang mangiyak-ngiyak ako pero nakuha ko pa ding litratuhan ang sarili ko ng mga oras na yun, naisip ko kasi na magandang ilagay sa blog ko ang pangyayari at mas maganda kung may visual presentashiieeen!...Pagkatapos kong sumuka ay hinubad ko na agad ang aking pantalon upang jumerbaks naman…dumampot na din ako ng sigarilyo para hindi mangamoy ang ebs…iiri palang ako ay biglang VAVAVOOOM!!! WRAAAKKKKK!!!! SPRAAAAKKKK!!!! sabog din ang ebs ko, parang atomic bomb, walang ka-effort effort na nailabas ko ang ebs na ilang minuto ng simisirko at nagwawala sa loob ng tiyan ko, twice ko pa ngang fina-lush kasi hindi makuha sa isang pindot lang. Hilong hilo pa din ako pagkatapos ng trahedya, medyo natatawa din ako sa nangyari “GSM Premium pala ah…Banayad, madaling inumin…potah muntik ko ng ikamatay!!!” agad akong naghugas at naghilamos para ma-refresh naman ako. Umakyat na ako upang mag-punch at dumeretso ako ng opisina…as usual super late ako!Ebsss_1

BORACAY SHOTS

Imgp0807_2 Imgp0822_7 Imgp0825 Imgp0833 Imgp0844 Imgp0882 Imgp0884 Imgp0880 Imgp0918 Imgp0954 Imgp1007 Imgp1001 Imgp0993 Imgp0977

Kwentong Chekwa

      Noong pa man, mga panahon ng 80's, bago pa nauso ang sunod sunod na chinovela sa telebisyon ay mayroon tayong mga chinese programs sa TV, kung hindi ako nagkakamali, sa Ch.9 pa nga yata ito pinapalabas. Ibat ibang klase, may mga telenovela na puro intsik ang salita at hindi naka-dub sa filipino ang mga ito, kaya naman ang mga chinese dito sa atin ay madalas manood nun, syempre mas enjoy nila yun, Instik ang salita...At wala naman akong masabi sa mga kasuotan nila ay talagang magarbo, pinagkakagastusan talaga nila ang kanilang mga costumes at make-up...

Astig din noon ang Wok with Yan, pinapakita kasi ni Mr. Yan kung paano nya niluluto ang putahe niya at magaling syang magdecorate ng pagkain na talagang kamamanghaan mo! Nasan na kaya siya ngayon? malamang matanda na o di kaya ay paktay na.

Meron din noon sunday chinese movies sa tv kung saan madalas nating mapanood ang ibat ibang klase ng Karate at Kung-Fu...naalala ko pa noon tuwing umaga ay nanonood ang tatay ko nito, ako naman ay walang paki kung ano ang palabas at tuwang tuwa ako sa mga stunts nilang pinaggagagawa noon, gaya ng lumilipad, espadahan, sapakan, tadyakan, duguan at kung ano ano pa, kahit babae kasi sinasapak...Nakakaaliw ang mga karate noon, lalong lalo na sina Bruce Lee at Jacky Chan, Samo Hung at Raymond Wong at syempre si Mr. Shooli! Madalas din namin gayahin ito ng aking kapatid, may kaibigan pa nga kami nun na Idol si Bruce Lee at talagang may Cobra pa daw siya eh noh...yung parang may pakpak sa ilalim ng kili-kili, tas ang timang na yung talagang pakitang gilas pa sa tsako! Pero kung ako tatanungin mas gusto ko si Jacky Chan, magaganda kasi ang pelikula nya eh, Lalo na yung Drunken Master! HIYAHHH!

KUBLING PARAISO...YEAH RIGHT!!!

Nagsisimula na naman ang tag-ulan, nakapagtabi ka na ba ng bigas kagaya ng langgam? haaayyy...para sa akin, napakasarap ng tag-ulan, wala kasing alikabok sa daan, malamig at higit sa lahat ay masusuot ko ang mga nakatago kong jacket sa aparador na amoy naptalin balls...pero kapag tag-ulan, mas madami ang nakakainis na situasyon, nandyan ang baha na abot hanggang tuhod at kung sasamain ay lampas tao pa, madalas din ang black out, at dahil black out may nagkakasunog pa kung minsan, nandyan din ang mga sakit kagaya ng lagnat, sipon at yung sakit na nakukuha dahil sa ihi ng daga at dumi sa kanal, isa pa ay yung leather shoes mong pinakaiingatan ay mababasa, tsaka yung Nike mong 6k na pamporma mo mangangamoy imburnal...kapag tag-ulan marami din ang nagkakan(toooooot)tan ...ilan kaya sila, hindi ko alam at hindi iyan ang gusto kong ikwento sa blog ko ngayon.

Nakapunta ka na ba sa Antipolo? ako OO, dun sa liblib na lugar sa Antipolo kami nagpunta ng pamilya ko noong linggo, doon namin ginanap ang aming Family Outing sa lugar na kung tawagin ay Kubling Paraiso...At doon ko din naranasan ang horror na hindi ko inaasahan...saan ka ba naman nakakita ng swimming pool na wala manlang filter? tanginang yan yung tubig kulay green na at may lumot na yata yun, tapos yung mga naliligo wala ng banlaw banlaw, talon kaagad sa pool ang mga putangina...yung iba pa nga nagbabasketball eh, pawis na pawis tas magpapalamig sila sa pool!!! Maganda sana yung lugar kaso kulang sa maintenance, tago ito (kubli nga eh dabah?) madaming puna at madami silang iba't ibang klase ng pool, may pambata, may malaki, may maliit, may mababaw, may malalim at mayroon pa silang mga slides at 50 pesos lang ang entrance at mura lang ang mga cottages nilang may kwarto...anyway, so nagpunta kami ng utol ko sa malaking pool kahit na nandidiri na kami, naisip namin na sayang naman yung pinunta namin dun eh, so ako nagpadulas at anak ng puta muntik ng mabutas ang shorts ko na bagong bili ko pa naman dahil sa slide nilang parang hollow blocks ang kutis, ang gaspang, yung pamangkin ko nga muntik ng magsugat ang pwet eh. Ilang sandali pa ay biglang sumisid ang utol ko at sa kanyang paglutang may nakita na lamang akong sipon o' plema na nakadikit sa patilya nya, diring diri kami kaya talaga naman nagbalak na akong umahon at ng aahon na ako ay may nakita naman akong suka sa tabi ng pool, may hotdog pa eh, siguro sa bata yun, maduwal duwal talaga ako,sabi ko ''hindi na ako maliligo, magbabanlaw na ako''. Bumalik na ako sa cottage namin at nag-yosi muna at kape saglit bago ako magbanlaw, nalaman kong mayroon palang CR sa loob ng cottage namin kaya naman natuwa ako kasi solo namin, ngunit sabi ng nanay ko na wala daw lock yung CR, sira daw...naisip ko OK lang yun, kaya ko ng remedyuhan yun. Pagpasok ko ng CR, bumulaga nalang sa aking mga mata ang nakakapandiring kubeta nila, barado ang alulod, naninilaw na ang tiles at yung shower curtain nila ay ubod ng dumi at kulay putik na (pramis nasusuka na ako habang sinusulat ko ito) wala akong nagawa at kahit nakakadiri ay tiniis ko nalang makapagbanlaw lang ako, kaya sinara ko nalang ang shower curtain at nagsabon to the max nalang ako, take note, mahina pa ang daloy ng tubig sa kubeta nila.

Hindi ako nag-enjoy sa Family Outing namin kagaya ng naiisip kong mangyayari, akala ko uuwi kaming may mga ngiti sa labi at magandang ala-ala ngunit kabaligtaran pala ng lahat. Kaya naman napag-isipan nalang namin na gumawa nalang ulit ng isa pang Family Outing this coming month kung saan kahit medyo mahal ang entrance ay malinis naman at talagang mag-eenjoy kami.

Kaya warning to sa inyong lahat, wag na wag kayong punpunta dun sa Kubling Paraiso na yun, kung ayaw ninyong masuka at makakuha ng sakit...Kaya minsan ay mabuti pang magbayad ka ng medyo mahal at talaga namang sasaya ka, kaysa makatipid at magkaroon naman ng masama at nakakadiring karanasan...

...eeeeeeeeeeeeeeewwwwww!!!!

karapat-dapat ngang ikubli na yang paraiso niyo at ng hindi na matunton ng kung sino.

Gone without a trace

One of the saddest part of our lives is to lose someone you love. Someone who's been around with you for a long time. Someone who guards you when you sleep at night. Someone you can cry with you when you feel sad and makes you say '' at least i have you''. Someone who's always happy and excited everytime he see's you, sometimes run towards you just to express how much he loves you. Takes away your stress after a very busy day. Very seldom you could hear complaining. And most of all, Someone who gives unconditional love. An Angel in disguise indeed.

Last Monday, i went home from the office, a bit tired and hungry, that all i could think about is to eat and rest. Before I entered our house, my dogs are already agitated to see me, if i will translate what they are saying, it could go something like '' BERT BERT!!! ITS SO NICE TO SEE YOU! WHERE HAVE YOU BEEN? ARE YOU OK? HOW IS YOUR DAY? WE ARE SO HAPPY TO SEE YOU AGAIN!'' so i tap both of their heads and i told them not to go inside and stay in the front yard, they followed my order, then i went inside, and dress down, and eat, then rest on the sofa and play computer for a while. After 2 hrs, before i go to sleep, i make sure that i feed our pets already, including our almost 1 year old crazy cat who never gets full, always pinching food even if we can see him, he has an endless appetite I'm telling you! but a good mouse killer! So i prepared their food and distribute it one by one to them. We always have a system when serving their food so that they wont fight over it. I always give my 2 yr old retarded white dog named Papi his food, cos he stays at the backyard,well just to describe him to you, He's only behave when sleeping, always growling and barking in nonsense and doesn't play much with us, He's stinky cos he doesn't like to take a  bath, sometimes he has a lot of fleas. I think he needs to be delivered to a mental institute for dogs, when we got him from our cousin, he has hydrocephalus! Anyway, then after Papi i serve Kitty who is A.K.A. KITTY even though he is a cat now.. Then Lastly my favorite 6 year old canine Grinchy! Grinchy is my favorite, my classmate from college gave him to me as a gift cos i lost my black dog Radge before, Grinchy was a very cute puppy when he came to our famliy... He leaks and poo-poo a lot on the floor, well thats just ordinary for a puppy who is still adjusting and learning ways on how to be a deomesticated dog. Grinchy for me is my Bestfriend, though i dont give him a nice bath a lot for the past few months, i seldom see him since i got a new job too, but when we have time for each other, we're like chicharon and vinegar together. I used to run with him, touch his ears til he gets annoyed, I always take a picture of him and sometimes video too, i also scratch his tummy til he fall asleep, and i also remove his fleas and ticks 1 by 1 with my bare hands just to make sure he's not having them... We have a lot of good times together, since i have him in my life, He is definitely a part of my family and WE LOVE HIM SO MUCH!!! Anyway back to my story... When i went out to give Grinchy his meal, He's not there, so i whistled to call him and to tell him that dinner is served, but he didn't showed up, so i thought maybe he's just wandering somewhere. So i closed the door and went to bed.

I woke up early the following day because me and my siblings have to go to my Dad's at the cemetery co'z that day is his death anniversary. We're all preparing when my sister told me that Grinchy haven't eaten his meal yet since last night. I got alarmed and worried, but i calmed myself and think positive, I said, Maybe he went somewhere again with a female dog just like before, I'm sure he will come back later after he gets a score! Then we head to the cemetery and spent a few hours there. I didn't went home on that day, I stayed for a while at my tita's place...and thats when the horror begins...

My Sister texted me that my niece is crying while holding a picture of her and Grinchy, because He hasn't come back yet, thats when i felt really really worried, so i told them to ask our neighbors about Grinch and thats what they did, but still he is nowhere to be found. I kept thinking about him on that day...''Where is he?'' I'm wondering what happened to him. Still i want to remain calm and positive, I'm sure he will be back, He will come back and i will see him again...

The following day, i called home and i spoked to my brother and I asked if Grinchy had come back already, but still no sign of him he said. My eyes begins to get watery while speaking to my brother, he knows that I'm very bothered and worried, He told me that he went out to find him but still negative...that whole day, my mind is pre-occupied with Grinchy, some of my friends and neighbors said, maybe someone took him and butchered him already...Yeah, THANKS!!! that really helps!

Three days have passed and my sister already found a new dog, she bought a puppy who looks like Grinchy, I am happy about it... But still no sign of my Canine Bestfriend, til now I'm still hoping that he will come back, and also hoping that one day I will go home and he will greet me again with his wagging tail... that one day he will lick my face with joy and excitement and we will continue the best of our years again...

Where are you Grinch? Where have you gone? We miss you so much. I still cant move on. I LOVE YOU GRINCHY!!!Grinchy_missing

Isang Gabi sa PG

Just last month, nagpunta kami ng Puerto Galera, sarap kasing mag-beach- Lusong sa dagat, mahampas ng alon, namnamin ang simoy ng hangin na nagmumula sa malawak na karagatan, pagmasdan ang mga (patay) na korales natin at ang mga ilan ilang maliliit na isdang palangoy langoy at di mapakali kapag nakakakita sila ng taong paparating, kumain ng kumain at syempre mawawala ba naman ang inuman?

Bago kami nagpunta ay nagplano muna kami kung saan kami sasakay at kung paano kami babyahe, kaya naman nag-surf (ayan summer na summer, SURFING) kami kaagad sa internet at sa aming paghahanap at napunta kami sa isang site na mayroong package na papuntang PG..ang pangalan ng tours ay SIKAT TOURS, nagke-cater sila ng Bus at Ferry papuntang PG which is 600 per person/single trip..medyo may kamahalan ng konti pero OK na, kasi hindi ka na mahihirapan dahil package na nga dibah? So, nagpareserve na ako ng single trip a week before sa na-set naming araw ng pag-alis.

Dumating na ang pinakahihintay naming araw, 6am palang gising na kami at dali dali kaming tumungo sa Malate kung saan nandun sa may CITYSTATE TOWER HOTEL located ang SIKAT TRANSPORT. Maaga pa kami ng isang oras bago ang departure namin from Manila to Batangas Pier kaya kumain muna kami ng Heavy Breakfast para di kami gutumin sa daan habang bumabyahe. 8pm at lumarga na ang bus, OK naman ang bus nila, iilan lang kami at malamig naman ang A.C. nito, karamihan nga sa mga sakay ay mga foreigner eh, yun kasi ang madalas nilang customer.Kwentuhan, Sight seeing, Music at  konting chi-cha muna kami sa byahe, natrapik pa nga kami malapit sa pier kasi may ginagawang fly-over dun...

At eto na ang nakakabwisit na  parte...

Bumaba na kami ng bus at dahil medyo late na kami para sa ferry ay talagang pinagmamadali kami ng SIKAT TRANSPORT na yan. pumasok na kami sa Pier at kinumpiska pa ang lighter ko, dahil bawal daw yun, so OK sige, baka nga naman pagmulan pa ng sunog or aksidente at ako pa ang masabit. Sige lakad lang ulit kami...Wait...2nd time ko na nga pala itong pumunta ng PG pero talagang hindi ko mapigil...im still so excited lalo na sa pagsakay ng ferry!!! Iniisip ko sasakay kami ng Ferry tapos dun kami sa harapan at pagmamasdan ang dagat habang humihithit ako ng sigarilyo at umiinom ng sopdrinks at umaasang baka masilayang muli ang mga Dolphins na sumasabay sa andar ng Ro-Ro...Pero PUTANGINA!!! laking gulat ko na isasakay pala kami sa isang BANKA!!! malaki ng konti sa normal na banka ito, pero naisip ko, na lugi kami sa binayaran naming fare... :-( pagsakay namin ng banka ay may nakita pa akong mama na nagsisindi ng sigarilyo sa loob, tarantaaadddd.... wala na akong nagawa... punong-puno na nga bagahe ang Bankang sinasakyan namin kaya naman ang ibang pasahero ay nagsisimula ng mag-init ang ulo at magalit, yung mga foreigner naman ay kiber lang at sinusunod nalang ang tinuturong upuan...oooopppsss di pwepwede sa mga noypi yan, aba yung isang ale tumayo na at nagsisisigaw, ''ANO BA KAYO??? PUNONG PUNO NA PASAKAY PA KAYO NG PASAKAY??? BUHAY ANG DALA DALA NIYO DITO!!! '' at ayun wala din namang nangyari sa sigaw niya kaya bumaba nalang siya kasama ng binata niyang anak na hindi naman niya kamukha... pero hindi pa dun natapos ang tensyon, yung mama na nakita kong nagsisindi ng yosi ay tumayo na din at nagbanta '' ANO BA KAYO? PUNO NA SINABI EH! KUNG MAGPAPASAKAY PA KAYO, ISUSUMBONG NAMIN KAYO!!!  ngunit ganun pa man, ay wala pa ding nangyari, nagtaka talaga ako kung bakit sa banka kami pinasakay ng anak ng pating na SIKAT TRANSPORT na yan!!!

Di nagtagal ay umalis na din ang Banka.OK naman ang andar namin, nakakalula lang talaga, at napansin kong pabilis ito ng pabilis at habang papabilis ito ng papabilis at unti unti din kaming pinapasok ng tubig na nagmumula sa gilid ng bangka...anak ng tinapa...basang basa ang short namin, wala pa man kami sa white beach ay parang naligo na kami...pati yung mga luggage ng mga pasahero ay basang basa na din...yung isang babae nga eh naiyak nalang sa takot. Nanghihinayang ako sa binayad namin...sana nag-commute nalang kami sa ibang paraan...pero wala na kaming magawa dahil nandun na kami eh, so we just took it as a lesson, never ride again sa SIKAT TRANSPORT!!!  kaya pala puro foreigners ang customer nila ah, teka, hindi cutomer eh, BIKTIMA!!! kasi hindi makaangal sa kanila at hindi familiar ang mga kawawang foreigners sa pamasahe...dami talagang mga gagong pinoy!!!

Pagdating namin sa may Muele, sinalubong kami kaagad nung sundo namin mula sa Hotel, naks talagang may pangalan pa siyang winawagayway eh...so sabi ko ''ok din yung hotel ah, may service pa'' ;-) at ayunnnnnnnnnn......umarangkada kami... pagdating sa hotel  nag-settle muna kami kung saang kwarto kami matutulog..then naligo, tas kumain tas uminom ng kaunti, tas tumingin tingin sa paligid at natulog muna noong hapon...... at ng biglang DYARAAAAAANNN!!!  Gabi na po ng magising kami.wala na kaming mabilhan ng pagkain at wala na ding masyadong pumapasadang trisikel..kaya ayun, nagkwentuhan nalang kami at uminom hanggang sa nakatulog..kinaumagahan nagswimming kami, nagrent kami ng snorkels at nagkuhanan kami gamit ang underwater camera sa dagat, syempre saan pa ba??? BLUE CRYSTAL nga pala ang pangalan ng hotel 995 per person/night sila, mas mura kaysa sa ibang hotel dun sa PG yung iba kasi 1500 per person/ night or 1200. libre na din ang almusal namin nun, masarap naman kahit paano. mga 10pm na ng magbalak kaming umuwi nalang at wag ng magpagabi. Hinabol namin ang huling byahe ng SuperCat dun sa Pier at 1st time kong makasakay ng Super Meow! sarap pala, aircon siya, may TV (Pacquiao vs Morales ang palabas ampotah) pwede kang bumili ng pagkain sa loob...bumili kami ng instant noodles at tinapay kasi hindi pa kami kumakain ng lunch at ilang oras pa ang babyahihin namin. 240 ang SuperCat tas yung bus na mula sa Batangas pier to manila ay nasa 150 lang yata, so magkano yun? 390? sabihin na nating 500...at hindi 600 gaya ng bwisit na SIKAT TRANSPORT NA YAN!!!! kaya kung ako sa inyo? kung pupunta kyo ng PG..mag-commute nalang kayo or magdala ng sasakyan at para hindi kayo maabuso gaya ng mga foreigner.

Re-cap:

Trisikel Fare 100php from Blue Crystal Hotel to bayan

Trisikel Fare 500php from Blue Crystal Hotel to White Beach back and fort

BCH Service shuttle 200php from BCH to Pier...

Beer 25

Sopdrinks 25

Meal 300+ main dish

Fun being with your Loveone in Puerto Galera? ... PRICELESS!!!

so get a Visa Mastercard NOW!!!

Puerto

  Imgp0673Imgp0617_11Imgp0678 Imgp0711 Imgp0734 Imgp0712_6 Imgp0699 Imgp0645

Ano kaya kung...

Sobrang aga ko kanina sa trabaho at dahil nakakain na din ako sa bahay ng sinangag at itlog at tocino with matching suka ay inaliw ko nalang ang sarili ko... umakyat ako sa 7th floor (last floor) ng bldg. ngunit wala naman makita dun... kaya bumaba nalang ako pero bago ako bumaba ay kumuha muna ako ng isang ala-ala...Elevator1_1

saang floor po kayo??? floor wax???

Pagkatapos kong gumanap na lift operator ay tumamabay na muna ako sa harap ng canteen at nagyosi and kafeee... may 30mins pang natitira at hindi malaman ng kasama ko kung kanino niya naiwan yung susi ng opisina namin kaya naman hindi kami kaagad nakapasok, ang tanging pinasok ko na muna ay ang kubeta dahil ihing-ihi na ako pagkatapos uminom ng kafeee... at eto naman ang kuha ko sa kubeta ng canteenKubeta1

  eh kung salampak ko ang pagmumukha mo dito  putangina ka!!!

OK at pagkatapos nun ay nagpunta na ako sa opis para magsimulang gumawa ng kaunting kabuhayan... yung susi nahanap na ng kasama ko, tinabi lang pala ng isa naming ka-opisina!

NAG-AAPOY NAGLALAGABLAB

Naranasan mo na bang makakita ng nasusunog na gusali o residente? Ako OO, kagabi lang...Alas 2 ng madaling araw ng maisipan kong manigarilyo, at sa di kalayuan ay napansin kong may nagliliyab. May nasusunog, makapal na ang usok at medyo malaki na din ang apoy, tila ilang minuto na din ang nakakalipas ng magsimula ang eksena. Di ako mapakali, hindi ko maalis ang tingin ko sa nasusunog, ang nasa isip ko sa mga oras na iyon ay ang mga biktima, paano na kaya sila? sana walang nasaktan, sana hindi kaagad kumalat ang apoy, sana walang mamatay kundi ang apoy na parang dila ng dimonyo na nagpapasakit sa lahat ng madilaan nito.

   Kinuha ko agad ang camera at sinubukang i-video ito, ngunit masyado siyang malayo at lumalabong lang ang kuha, kaya kinuhanan ko nalang ng litrato, at eto ang aking nakita...

Imgp0602_1   

Nagmistulang lumabas sa lupa ang apoy na nagmula sa impyerno ang eksenang ito.